LIGHT OF JESUS YOUTH
  • Home
  • About
  • Locations
  • Light Groups
    • Light Group Testimonies
    • Light Group Schedules
  • Campus Life
  • Events
  • CAMP CALYE
    • Camp Registration
    • Camp Testimonies
    • Camp Calye Gallery
  • Resources
    • Feast Talks
    • Games & Icebreakers
    • Youth Modules
    • Creative Hub
  • Get In Touch

light group testimonies

MASAYA MAGSERVE!

6/29/2014

0 Comments

 
Ako si Timothy Toledo. Halos apat na taon nang nagsasayaw at nagse-serve sa feast at sa LOJ. Isa akong LOJ baby. Ano yun? Mga batang di pa pinapanganak, nasa LOJ na. Posible ba yun? Ang magulang ko member na at active na sa pagseserve sa Feast. So nung pinanganak ako, lagi na akong kasama, may service man sila o wala. Di ko pa alam ang nangyayari noon kaya naglalaro lang ako sa canteen ng Camp Aguinaldo (dun pa ang Feast dati :D) Pero kalaunan, nung lumaki at nagkaisip ako, nagsimula ko rin maintindihan ang ginagawa nila Dadi. Pero nang mapasama ako sa dance ministry ng Quezon City Feast, dun nagsimula ang lahat.

Second year High School na ako nun. Noong una ay para lang makasayaw at para magkaroon ng mga kaibigan sa Feast. Hilig ko kasi sumayaw at nagkataon na naman na council na rin ng QC Feast si Dadi kaya medio pinilit na rin niya ako. After several months, nabuo na rin ang Youth Ministry, na mainly is members ng Dance Min lang din ang laman. Nagkaroon kami ng mga activities na kasama ung ibang youth sa Feast. Di naman kasi lahat ng bata sumasayaw, ung iba naman mahiyain din so nilalapitan namin. Di nagtagal nagkaroon na ng camp at sobrang dami kong nakilalang kabataan. Sa mga panahong yun naintindihan ko ang pagseserve. Di lang sya para masabing may ginagawa ka kung hindi dahil gusto mo maggive-back kay God at maisama pa ang ibang tao, specifically ang kabataan, kay God. Naramdaman siguro ng aming youth head noon na handa na kami para mag step up at maging isang youth leader.

                Maraming ups and down ang pagiging youth leader. Maraming ginagawa at minsan pakiramdam ko noon ay dun na lang napupunta lahat ng free time ko. Pero ang bottom line is: masaya ako sa pagse-serve dahil ginagawa ko yon hindi para sa sarili ko pero para kay Lord at para sa ibang tao. Iba ang fulfilment na makakita ng isang tao na nakangiti  at nagpapasalamat dahil natulungan ko sila mapalapit kay God. Kaya hanggang ngayon, kahit mas busy pa para sa ibang gawain, naglalaan pa rin ako ng oras para makapagseve at para maka bless pa ng ibang tao :D

0 Comments



Leave a Reply.

    Author

    These are sharings, insights, and testimonies of young people, from different areas in the world, whose lives were changed for the better by the Lord through a light group.

    Archives

    June 2014

    Categories

    All

    RSS Feed

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Home
  • About
  • Locations
  • Light Groups
    • Light Group Testimonies
    • Light Group Schedules
  • Campus Life
  • Events
  • CAMP CALYE
    • Camp Registration
    • Camp Testimonies
    • Camp Calye Gallery
  • Resources
    • Feast Talks
    • Games & Icebreakers
    • Youth Modules
    • Creative Hub
  • Get In Touch