By Biencarlo Maloles Noong ininvite palang ako para mag camp, sobrang ayaw ko kasi nakakatamad. Mayroon pa daw registration tapos pre-camp at madami pang iba. Naisip ko rin na parang sasayangin ko lang yung 4 days ng summer ko. Tapos noong naghahanda na ako para sa camp, habang hinahanda ko na lahat ng kailangan kong dalhin, gusto ko talaga mag back out kasi parang ang corny. Once na pagkapasok ko ng camp site, mayroon pa ring feeling na "ang corny naman nito" at "MATURE na masyado ako para dito eh".
Pero after some time ng araw na yun, sobrang pinagsisihan ko kung bakit ko sinabi o kahit inisip yung ganoong opinion sa camp. First day palang, sobrang SAYA na naming lahat. Parang sobrang magkakakilala na kaming lahat na nasa camp. Well, lalo na yung day 2-4 as in SOBRANG ENJOY na namin at andun yung feeling na "sana 1 MONTH nalang ang camp!" Hindi lang ako nag enjoy o nagkaroon ng mas madami pang kaibigan, kung hindi MAS NAPALAPIT RIN AKO SA DIYOS. Dahil sa experience na ito, nagustuhan ko mag serve para sa Kanya. Ang masasabi ko lang ay ang experience na ito ay yung tipong paguusapan niyo parin ng mga kaibigan niyo kahit ilang linggo (or buwan) na ang nakalikipas. HINDI mo talaga ito pag-sisisihan at talagang SULIT NA SULIT ang 4 days 3 nights mo!!! Kaya ano pa hinahanap mong activities para sa summer, full package na itoooo? Enjoy ka na, blessed pa! KAYA SAMA NA!!!
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorThese articles were written and sent in by young people who experienced Camp CALYE. They were blessed immensely. And they want you to experience that same blessing too. Archives
April 2016
Categories |